Nag-amok na lalaki napatay ng pulis
July 26, 2002 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang 27-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi, samantala, isang kagawad ng pulisya ang malubhang nasugatan matapos na mag-amok ang una bago napatay ng mga nagrespondeng pulis sa Brgy. Caridad Ciudad Nueno, Cavite City sa kamakalawa ng gabi.
Si Edwin Onita ng 309 M.H. Del Pilar, Malanday, Valenzuela City ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pulisya.
Samantala ang pulis na si SPO4 Jaime Manalo, 44, hepe ng PNP patrol section na ginagamot sa Manila Medical Center dahil sa saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Si Manalo ang nakipagnegosasyon kay Onita na nag-aamok sa nabanggit na barangay at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sinugod nang saksak ang pulis kaya napilitang pagbabarilin ng mga kasamang pulis ang biktima.
Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Nestor Mendoza, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, nakatanggap ng tawag mula sa telepono mula sa isang concerned citizen na may nag-aamok na lalaki at naghahamon ng away hawak ang patalim.
Kaagad naman nagresponde ang mga tauhan ni Mendoza sa pamumuno ni Manalo at tangkang payapain nito ang lalaki ngunit sinugod siya ng saksak kaya napilitang paputukan ng mga kasamahang pulis. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest