Patrol car hulog sa bangin: 1 patay, 3 grabe
July 21, 2002 | 12:00am
BARAS, Catanduanes Isang kagawad ng pulisya ng himpilan ng Baras PNP ang kumpirmadong nasawi, samantala, tatlo pa nitong kasama ang malubhang nasugatan matapos na mahulog ang sinasakyang patrol car sa banging sakop ng Brgy. Batolina sa bayang ito kahapon ng umaga.
SI SPO3 Michael Rubia, 55 ay hindi na umabot pa ng buhay sa ospital habang si Ramil Gedalgo at dalawang pulis na hindi nabatid ang mga pangalan ay nasa kritikal na kondisyon.
Nabatid sa ulat ng pulisya, binabagtas ng patrol car (WKK-567) sakay ang mga biktima ang kahabaan ng national road na may convoy ding sasakyan nang mawalan ng kontrol ang driver na si Gedalgo kaya bumulusok sa malalim na bangin dakong alas-11:35 ang umaga. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest