91 kandidato suportado ng NPA rebels
July 15, 2002 | 12:00am
CAMARINES NORTE Umaabot sa siyamnaput-isang kandidato ng brgy. at Sangguniang Kabataan elections ang iniulat na sinusuportahan ng mga kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) mula sa 282 barangays sa labingdalawang bayan sa lalawigang ito.
Sa naging pahayag ni P/Sr. Supt. Florencio Magundayao, PNP provincial director na may tatlumput-anim (36) na kandidato sa pagka-brgy. chairman, Limamput apat sa brgy. kagawad at isa sa SK ang sinuportahan ng NPAs sa hindi nabatid na dahilan.
Sa bayan ng Labo ay aabot sa labingdalawang kandidato sa brgy. chairman at isang kandidato sa SK mula sa Daet ang mahigpit na sinuportahan ngayon ng mga rebelde upang matiyak ang panalo.
Siyam na bayan na kinabibilangan ng Labo, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, San Lorenzo Ruiz, Basud, Mercedes, Daet at Sta. Elena ay isinailalim sa double red alert dahil sa itinuturing na hot spots, pahayag ni Major Jose Pardo ng 203rd Infantry Battalion ng Phil. Army.
Kasunod nito, Ipinuwesto na ang karagdagang tatlong batalyong sundalo ng Phil. Army sa Camarines Sur, Sorsogon at Masbate upang matiyak at hadlangan ang anumang kaguluhang ihahasik ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA). (Ulat nina Francis Elevado/Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended