2 MILF kumander,164 tauhan sumuko
July 14, 2002 | 12:00am
Naging matagumpay ang isinusulong na peace talks ng pamahalaan sa hanay ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos na sumuko ang dalawa nitong Commander at 164 tauhan sa rehiyon ng Mindanao.
Ang mga nagsisukong MILF ay pormal na tinanggap kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu sa isang simpleng seremonya sa Camp Ranao, Marawi City, Lanao del Sur dakong alas-10 ng umaga.
Kinilala ang mga nagsisukong MILF Commanders na sina Abdullah Dimasangcay, alyas commander Papas at Commander Cassan Langgoyo Serad, alyas Pilandok.
Kasamang sumuko nina Commander Papa at Commander Cassan ang 164 tauhan mula sa 3rd Field Division at 3rd Brigade ng MILF, bitbit ang 166 ibat ibang uri ng matataas na kalibre ng armas.
Nabatid na ang mga nasabing MILF surrenderees ay nagbalik-loob sa pamahalaan matapos ang masusing negosasyon na isinagawa ni Col. Ernesto Boac, Brigade Commander ng Armys 401st Brigade. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended