^

Probinsiya

Bokal aksidenteng nabaril ang sarili, todas

-
BAUTISTA, Pangasinan – Isang provincial board member na kakandidatong barangay chairman ang kumpirmadong nasawi makaraang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa loob ng bahay ng kanyang pamangkin sa Brgy. Poblacion East sa bayang ito noong Miyerkules ng hapon, Hulyo 10, 2002.

Ang biktimang si Victor Espino, 42, na isugod sa San Juan Hospital saka dinala sa Villaflor Hospital sa Dagupan City ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Si Espino na kapatid ni Pangasinan 2nd District Congressman Amado Espino, Jr. ay naging board member kapalit ni Arthur Celeste dahil sa nanalong congressman sa 1st district noong nakaraang eleksyon.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Asterio Catalan na isinumite kay P/Insp. Raymundo Bautista, hepe ng pulisya sa bayang ito, kasalukuyang hinihintay ng biktima ang kanyang kapatid na congressman sa loob ng kuwarto ng kanyang pamangking municipal councilor upang komunsulta sa gagawing pagpupulong.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:45 ng hapon ng nakarinig na lamang ng malakas na putok ng baril ang pamangkin ng biktima.

Mabilis naman tinugo ni Amado Espino III ang pinagmulan ng putok at bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng tiyuhin. (Ulat ni Eva de Leon)

vuukle comment

AMADO ESPINO

ARTHUR CELESTE

ASTERIO CATALAN

DAGUPAN CITY

DISTRICT CONGRESSMAN AMADO ESPINO

PANGASINAN

POBLACION EAST

RAYMUNDO BAUTISTA

SAN JUAN HOSPITAL

SI ESPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with