Rapist-killer hinatulan ng bitay
July 5, 2002 | 12:00am
CABANATUAN CITY Kinatigan ng Korte Suprema ang hatol na bitay na ipinataw ng mababang korte laban sa isang 19-anyos na lalaki na napatunayang gumahasa at pumatay sa kanyang anim na na taong gulang na pamangkin, may apat na taon na ang nakalilipas.
Si Rafael Principe ay hinatulan ni Regional Trial Court Judge Feliciano Buenaventura ng bitay matapos na mapatunayan sa kasong rape-slay sa biktimang si Arlene Ipurong.
Base sa record ng korte, naganap ang krimen noong Agosto 9, 1998 sa bakanteng bahay sa Brgy. Valdefuente habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Kasunod nito, hinatulan ni RTC Judge Napoleon Sta. Romana ng tatlong habambuhay na pagkabilanggo si LopeTalplacido, 55, ng Brgy. Tabing-Ilog, Licab, Nueva Ecija matapos na mapatunayang gumahasa sa kanyang 14-anyos na sariling anak noong Abril 1994. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest