^

Probinsiya

Magsasaka pinugutan ng ASG

-
Pinahirapan muna bago tuluyang pinugutan nang ulo sa harapan ng kanyang asawa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang magsasaka na napagkamalang informer ng militar sa Sumisip, Basilan kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Japilon Nasirin.

Naganap ang pamumugot dakong alas-5:00 ng umaga matapos na lusubin nang isang grupo ng mga bandido ang tahanan nito sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga bandido sa kanilang lugar at dinala ang biktima sa dako ng kagubatan kung saan sa kabila ng pagmamakaawa ng asawa nito ay tinagpas pa ulo.

Isang nakilalang Surujin Indama alyas Boy Target na umano’y bata ni ASG Commander Isnilon Hapilon ang namugot nang ulo ng biktima habang ang iba nitong kasamahan ay nagsilbing lookout.

Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

BIGLA

BOY TARGET

COMMANDER ISNILON HAPILON

ISANG

JAPILON NASIRIN

JOY CANTOS

MATAPOS

SURUJIN INDAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with