P17-M puslit na bigas nasabat
June 12, 2002 | 12:00am
Umaabot sa 17,000 sako ng imported na bigas mula sa Vietnam na nagkakahalaga ng P17 milyon ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Air Force at Bureau of Customs sa isinagawang operasyon sa San Isidro, Samar kamakalawa.
Batay sa ulat ni Philippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor, nadiskubre ang mga kontrabando matapos na inspeksyunin ng mga elemento ng 300th Air Intelligence and Security Group, Customs Intelligence and Investigation Service at ng PAF Tactical Operations Command ang mga barkong nakadaong sa pantalan ng San Isidro, ng nasabing lalawigan.
Nabatid na sinimulang suriin ng mga awtoridad ang mga lulang kargamento ng mga barkong nakadaong at natiyempuhan nila ang mga smuggled Vietnam rice na nasa loob ng barkong MV Ilonah.
Walang maipakitang mga dokumento ang mga tripulante ng barko.
Napag-alaman na ang mga ipupuslit na bigas ay nakaconsign kina Vicente at Julio Paraque, may-ari ng Sanvic Enterprises at Triumph Ricemill na nakabase sa Samar.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang illegal na kargamento ay dadalhin sana sa Cebu subalit lumihis ang takbo ng barko patungong Samar upang iwasan ang pagtugis ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 8 hours ago
By Cristina Timbang | 8 hours ago
By Tony Sandoval | 8 hours ago
Recommended