Tensyon sa Castillejos, nagpapatuloy
June 8, 2002 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Halos tatlong Linggo na ang umiiral na tensyon sa bayang ito bunga ng panunungkulan ng dalawang mayor na ikinababahala ng labis ng mga mamamayan dito.
Si Mayor Wilma Billman na nanalo noong nakalipas na eleksyon ay nananatili pa sa puwesto bagamat iniluklok na ng korte ang bagong mayor na si Enrique Magsaysay.
Isang kautusan mula sa RTC Branch 72 ng Olongapo City at sa bisa ng "Writ of Execution Order" na ipinalabas noong Mayo 21, 2002 ay nag-uutos kay Billman na lisanin na nito ang puwesto upang mabigyan daan ang bagong hirang na si Magsaysay.
Subalit mariing sinabi ni Billman na hindi siya aalis sa puwesto dahil siya ay halal ng bayan at hindi dapat umupo si Magsaysay dahil sa isang "hastily rendered decision" at higit sa lahat hindi umano nito naidepensa ang kanyang sarili sa pagdinig ng kaso.(Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended