Satellite camp ng MILF nakubkob ng militar
June 6, 2002 | 12:00am
Nakubkob ng tropa ng militar ang isang itinatayong satellite camp ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isang operasyon ng militar sa Pualas, Lanao del Sur kamakalawa.
Sa report ni Major Gen. Alfonso Dagudag, Commanding General ng 4th Infantry Division ng Phil.Army na dakong alas-9:50 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Armys 401st Brigade sa liblib na lugar ng nasabing bayan.
Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng mga sundalo hinggil sa paglulungga sa nasabing lugar ng rebeldeng grupo.
Ang nakubkob na kampo ay binubuo ng anim na bunkers na puwedeng magkasya ang 20 katao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended