^

Probinsiya

Nene hinalay saka nilunod ng adik

-
HAGONOY, Bulacan – Isang walong taong gulang na batang babae ang iniulat na hinalay muna saka nilunod hanggang sa mapatay ng isang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga sa naganap na karumal-dumal na krimen sa Brgy. San Nicolas sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Ang biktima na basak ang bungo at positibong hinalay na natagpuan malapit sa tabing ilog ay nakilalang si April Lopez, isang grade 1 pupil at residente ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na ngayon ay nakakulong ay nakilalang si Rodel Medina, binata, jobless ng naturang din lugar.

Positibong kinilala ng ama ng biktima ang suspek dahil sa suot pa nito ang relos na ginamit ng bata.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Supt. Jose Carreon, hepe ng pulisya, bandang alas-11 ng gabi nang mawala ang biktima sa kinahihigaan nitong kama kaya sila nagpatulong sa mga kapitbahay na hanapin ang biktima.

Inabot ng hanggang alas-5 ng madaling-araw ang paghahanap sa biktima at ilang oras pa ay may kumalat na balita na may natagpuang bangkay ng batang babae na walang saplot sa katawan malapit sa ilog. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

APRIL LOPEZ

BATAY

BRGY

BULACAN

EFREN ALCANTARA

INABOT

ISANG

JOSE CARREON

RODEL MEDINA

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with