^

Probinsiya

Sepulturero, pinatay bago isinilid sa sako

-
BACOOR, Cavite – Isang sepulturero ang pinatay at isinilid sa sako bago itinapon sa isang ilog ang natagpuan kamakalawa ng mga batang naliligo sa ilog ng Green Valley ng bayang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Wilfredo S. Villanueva, 45, residente ng 291 Cunbalay st., Binakayan, Kawit, Cavite.

Sa salaysay ng asawa ng biktima na si Sherlita, na huli niyang nakitang buhay ang asawa noong Huwebes ng alas-2 ng madaling araw at simula noon ay hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.

Subalit, isang saksi na nakilalang si Roy Rodriguez, na nakita niya ang biktima at ang kanyang kapatid na si Rodel Rodriguez na nagkakaroon ng argumento.

Agad na lumapit si Roy para umawat nang sumulpot ang apat na kalalakihan na ang isa ay armado ng baril.

Dito ay sapilitang isinakay ni Rodel at apat na kalalakihan ang biktima sa isang tricycle at mabilis na pinasibad.

Walang nagawa si Roy para pigilan ang mga suspek sa pagtangay sa biktima sa takot na siya ang mapagbalingan.

Natagpuan ang bangkay ng biktima, dakong alas-11:30 ng tanghali ng mga batang naliligo nang kanilang buksan ang sako na inaanod sa ilog.

Malaki ang paniwala ng pulisya na pinahirapan muna ang biktima dahil sa mga pasa nito sa mukha at katawan, bago itinali ang dalawang kamay at may saksak na bakal ang dibdib.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad kung ano ang motibo bakit pinatay ang biktima. (Lanie M. Sapitanan)

vuukle comment

BIKTIMA

BINAKAYAN

CAVITE

CUNBALAY

DITO

GREEN VALLEY

LANIE M

RODEL RODRIGUEZ

ROY RODRIGUEZ

WILFREDO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with