Computer training para sa Quezon PNP, inilarga
May 27, 2002 | 12:00am
KAMPO NAKAR, Lucena City Ipatutupad ngayon ng pamunuan ng Quezon PNP ang pagsasanay sa lahat ng miyembro ng pulisya sa paggamit ng computer bilang tugon sa makabagong sistema na pinaiiral ng kapulisan sa bansa.
Ang kautusang pagsasanay ng computer na mahigpit na ipinatupad ni P/ Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director ay tatagal ng tatlong araw at gaganapin sa nabanggit na kampo.
Sinabi pa ni P/Sr. Supt. Rosales, nais niyang tugunan at bigyan ng solusyon ang mabagal na pag-uulat at pagpapalitan ng impormasyon sa mga nagaganap na pangyayari sa kanyang nasasakupang lalawigan.
Kabilang sa pagsasanay ay ang paggamit ng internet, e-mail, scanning devices, basic trouble shooting at iba pang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa computer upang mapadali ang serbisyo sa publiko. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest