Mag-asawang Burnham pinaghiwalay ng ASG
May 25, 2002 | 12:00am
Pinaghiwalay na umano ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang mag-asawang hostage na sina Martin at Gracia Burnham na ipinagpapalipat-lipat ng taguan sa kagubatan ng Basilan.
Ito ay base sa nakalap na intelligence report kahapon ni Col. Alexander Aleo, Commander ng Armys 103rd Brigade.
Ayon kay Aleo, pinaghiwalay ni ASG Commander Isnilon Hapilon, ang may hawak sa mag-asawang Burnham para umano lansihin ang mga tumutugis na militar.
Inihayag din ni Aleo na psywar lamang umano ni Abu Sabaya ang nakuha nilang report sa pagsasabing naka-stretcher na si Martin matapos dapuan ng malubhang karamdaman.
Samantala, mahina na rin umano si Gracia na mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ni Hapilon sa kagubatan ng Basilan.
Sinabi rin ni Aleo na maraming sightings sa mag-asawang Burnham na tumangging tukuyin ang lugar dahil sa posibleng madiskaril ang kanilang operasyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest