^

Probinsiya

Van sumalpok sa puno: 4 todas, 7 grabe

-
BIÑAN, LAGUNA Apat na katao, kabilang dito ang isang mag-asawa ang iniulat na nasawi, samantalang pitong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang Isuzu Highlander sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX), kahapon ng madaling araw.

Sa spot report ng Philippine National Construction Corp. (PNCC), ang mga biktima ay nakilalang sina Virgilio Villareal, 27, isang ginang na pinaniniwalaang asawa nito na kapwa taga Malabon City; isang nagngangalang Mayette at Myra Manzano, 26.

Ang mag-asawang Villareal at Mayette ay dead-on-the-spot bunga ng malakas na pagkabangga ng kanilang sasakyan sa isang puno. Samantalang si Manzano ay patay na nang idating sa Biñan Doctor Hospital.

Nabatid na ang mag-asawang Villareal ay naipit sa harap ng sasakyan kaya’t halos nahirapang magsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng PNCC.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Perpetual Memorial Hospital sa Biñan, Laguna ang pitong sugatan na nakilalang sina Danilo Garcia, asawa nitong si Mareso at anak na si Dan Alter; Mierna Gonzano na umano’y nasa kritikal na kalagayan at tatlong di-nakilala na pawang nakatira sa Malabon City.

Nabatid na ang mga biktima ay lulan ng isang Isuzu Highlander na may plakang VPS-199, na galing sa Naga City at paluwas ng Maynila.

Nabatid na dakong ala-1:30 ng madaling araw kahapon habang binabagtas ng mga biktima ang nasabing highway ay nawalan ng kontrol sa manibela si Virgilio hanggang sa tuluyang bumangga sa isang malaking puno na nagresulta sa trahedya.(Ed Amoroso)

DAN ALTER

DANILO GARCIA

DOCTOR HOSPITAL

ED AMOROSO

ISANG

ISUZU HIGHLANDER

MALABON CITY

MAYETTE

MIERNA GONZANO

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with