Binata dinukot sinalvage ng karibal
May 11, 2002 | 12:00am
TANAUAN CITY, Batangas Isang binata ang natagpuang patay matapos itong dukutin ng pinaghihinalang karibal nito sa pag-ibig kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Ayon kay P/Supt. Francisco Rodriguez, hepe ng Tanauan police, natagpuang nakagapos, may busal sa bibig at may piring ang mga mata ang bangkay ni Wilfredo Arada, 20, ng Brgy. 4 Tanauan City sa liblib na barangay ng Tarangka, Talisay, Batangas.
Batay sa imbestigasyon, dinukot si Arada ng apat na armadong kalalakihan sa harap ng J.P. Laurel Bank boundary ng Sto. Tomas at Tanauan City at sapilitang isinakay sa isang Honda Civic na kulay gray na walang plaka.
Papasok na umano si Arada sa kanyang trabaho sa Yazaki Torres Mfg. Corp. sa Calamba, Laguna nang bigla na lamang siyang harangin ng suspek na si Christopher Pamute, isang seaman, residente ng Brgy. Sala kasama pa ang tatlong armadong kalalakihan.
Si Arada at Pamute ay napabalitang masugid na magkaribal sa pag-ibig ng isang dalaga na kinilala lamang na Mitch na kasamahan din ni Arada sa Yazaki Torres Mfg. Corp.
Kasalukuyan ng pinaghahanap ng pulis ang grupo ni Pamute matapos itong kilalanin ng mga nakasaksi umano sa pagdukot at pagpatay sa biktima. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended