^

Probinsiya

Arsenal ng grupo ni Nur ni-raid

-
Iba’t ibang uri ng armas at bala ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army matapos salakayin ang arsenal ng mga miyembro ng Misuari Breakaway Group (MBG) na nagbunsod din sa mainitang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at mga rebeldeng Muslim sa Lanao del Sur kamakalawa.

Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Dionisio Santiago, bandang ala-1:10 ng hapon nang lusubin ng mga operatiba ng Army’s 58th Infantry Battalion (IB) ang imbakan ng armas ng grupo ni Nur.

Agad umanong pinaligiran ng mga tauhan ng Army’s 58th IB sa pamumuno ni 1Lt. Villena ang taguan ng armas sa bisinidad ng Lumba Bayabao, Lanao del Sur.

Napag-alaman na may 15 armadong MBG ang mahigpit na nagbabantay sa nasabing arsenal.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng MBG na tumagal ng may 20 minuto.

Umatras naman sa sagupaan ang mga rebeldeng Muslim matapos na mapagtantong dehado sila sa labanan kung saan ang mga ito ay tumahak patungo sa direksiyon ng kagubatan.

Nakumpiska sa nasabing arsenal ang dalawang M16 rifles, M14 rifle, AK 47 rifle, tatlong .9MM pistols, caliber .38 revolver, limang ICOM radios, bandoleer na may limang magazine para sa M16 rifle, magazine para sa AK47 rifle, 98 rounds ng bala para sa M16 rifle at limang rounds ng bala para sa AK47 rifle. (Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

DIONISIO SANTIAGO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

LANAO

LUMBA BAYABAO

MISUARI BREAKAWAY GROUP

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE ARMY CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with