^

Probinsiya

6 terorista nadakip sa Pangasinan

-
ANDA, Pangasinan – Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang nagsanay bilang terorista ng pinunduhan ng Al-Qaeda network ni Osama bin Laden ang kumpirmadong nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-terrorist Task Force, Pangasinan provincial PNP at Army’s Intelligence Service Group sa Brgy. Malong sa bayang ito kamakalawa.

Sinabi ni Mayor Alicia Pulido na simula pa noong Disyembre 2001 ay may impormasyon na si P/Chief Insp. Edward Guarin hinggil sa presensya ng anim na kalalakihan na nagkukuta sa walong ektaryang lupain na pag-aari ng pamilya Delos Santos.

Isinailalim sa pagtitiktik ng mga tauhan ni Guarin ang presensya ng mga estranghero saka nagpalabas naman ng search warrant si Judge Jules Mejia upang salakayin ang naturang lugar ngunit walang nadiskubreng anumang bagay maliban sa baril na may lisensya.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa si Guarin kaya humingi naman ng tulong sa mga kinauukulan upang magsagawa ng masusing pagmamanman sa mga kalalakihan hanggang sa maging positibo nga ang surveillance.

Kinilala naman ang mga nadakip na pinaniniwalaang terorista na sina Dawad Muslim del Rosario Santos, Pio Abagne de Vera, alyas Ismael de Vera, Marcelo Cenar Egil, Allan Al Hakimi Barlagdaton, Reendo Cain Dellosa, alyas Habil Akmad Dellosa at Angelito Trinidad, alyas Aris.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang maikling baril, shotgun, night vision binocular , fatigue uniforms at dokumento na ang pinaka-leader ng mga suspek ay si Ahmad Santos na nagsanay mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Bushra sa Central Mindanao noong Enero 2, 2002.

Lumalabas sa beripikasyon ng militar na si Dawad ay positibong local cell leader ng Al-Qaeda na nagre-recruit ng mga bagong miyembro ng terrorist group sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Ulat ni Eva de Leon)

AHMAD SANTOS

AL-QAEDA

ALLAN AL HAKIMI BARLAGDATON

ANGELITO TRINIDAD

CAMP BUSHRA

CENTRAL MINDANAO

CHIEF INSP

DAWAD MUSLIM

DELOS SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with