^

Probinsiya

Nawawalang nene, natagpuang kinatay

-
LIGAO CITY – Tadtad ng taga sa ulo at katawan ng matagpuan ang iniulat na nawawalang 11 anyos na nene sa isang kanal sa Barangay Sta. Cruz ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jill Bondad, grade 5,honor student at residente ng Barangay Lanigay, Polangui, Albay.

Batay sa pulisya dakong alas-6 ng gabi nang matagpuan ang biktimang na natatakpan pa ng sako ang bangkay.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-4 noong Miyerkules nang magpaalam sa kanyang mga magulang na pupunta sa bahay ng kanyang tiyahin upang magtinda ng sitsaron sa naturang lungsod.

Subalit ang bata ay hindi na nakabalik sa kanilang bahay at maging sa bahay ng kanyang tiyahin sa Sta. Cruz kung kaya nag-alala ang mga kamag-anak ng biktima at iniulat sa pulisya na nawawala ito .

Makaraan ang magdamag na paghahanap sa biktima ay natagpuan din ito sa isang palayan kung saan nakahandusay pa ang walang buhay na katawan nito sa kanal ng nasabing taniman. Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng di pa nakikilalang suspek upang paslangin ang biktima dahil hindi naman ginahasa ang biktima ayon sa awtopsiya. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY LANIGAY

BARANGAY STA

BATAY

BIKTIMA

CRUZ

ED CASULLA

HULING

JILL BONDAD

MAKARAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with