^

Probinsiya

Isabela Mayor todas sa ambus

-
JONES, Isabela – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang alkalde ng Isabela ng mga naka-unipormeng militar na pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nangunguna sa seremonya ng flag raising sa harap ng munisipyo kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, ilang mga hindi kilalang kalalakihan na naka-unipormeng militar ang pumasok sa compound ng munisipyo ng Jones, Isabela saka lumapit sa ilang employees na dumalo ng flag raising at nagtanong kung sino ang kasalukuyang alkalde.

Nagkataon naman biglang tumayo si Jones, Isabela Mayor Jesus Sebastian upang magpakilala sa mga dumalo sa nabanggit na seremonya ngunit, dalawa sa mga rebelde ang kaagad na inarmalyt ang nagsasalitang alkalde sa harap ng municipal employees.

Ayon pa sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga matapos isagawa ang pananambang ay palakad lamang na tumakas ang mga rebelde hawak pa ang armas na animo’y walang nangyari saka sumakay ng van at pinaharurot sa hindi nabatid na direksyon.

Wala naman nagawa ang mga security escort upang hadlangan ang mga pumatay kay Mayor Sebastian dahil sa pagkabigla.

Pinilit pa rin ng mga nahintakutang empleyado na isugod si Mayor Sebastian sa ospital subalit hindi na umabot pa ng buhay dahil sa tinamong maraming tama ng bala ng armalite sa katawan.

Kasunod nito, inatasan naman ni DILG Sec. Joey Lina ang Isabela PNP na magsagawa ng dragnet operations upang mapadali ang pagdakip sa mga suspek at alamin ang motibo ng krimen. (Ulat nina Perseus Echeminada at Joy Cantos)

AYON

BATAY

ISABELA

ISABELA MAYOR JESUS SEBASTIAN

JOEY LINA

JOY CANTOS

MAYOR SEBASTIAN

NEW PEOPLE

PERSEUS ECHEMINADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with