^

Probinsiya

4 Barangay Chairmen nilikida ng NPA

-
CAMP AQUINO, Tarlac – Apat na barangay chairmen mula sa tatlong lalawigan ng Northern Luzon na pinaniniwalaang muling kakandidato sa darating na barangay elections sa Hulyo ang iniulat na nilikida ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na lugar noong Marso 2002.

Sinabi ni Major General Rodolfo Garcia, commander ng Armed Forces’ Northern Luzon Command (NOLCOM) na ang isinagawang paglikida sa 4 ay preparasyon lamang sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa nakalap na impormasyon ng NOLCOM at Army’s 69th Infantry Battalion, ang makakaliwang kilusan ay nagpupursiging maglagay ng kanilang kandidato sa darating na halalan upang makontrol nila ang mga nasasakupang barangay.

Kinilala ni Garcia ang mga pinatay na brgy. captains na sina Ramon Valiente ng Brgy. Caniguing, Echague, Isabela na itinumba ng rebelde noong Marso 4; si Restituto Renosa at Reynaldo Batalier naman ng Brgy. Tattawa at Narabar, Penarubia, Abra ay nilikida noong Marso 9, samantala, si Restituto Ganiron ng Brgy. Manalpac, Salsona, Ilocos Norte ay tinodas noong Marso 21.

Ayon pa sa ulat ng militar na minamatyagan din ng mga rebelde ang mga opisyal ng barangay na pinaniniwalaang sumusuporta sa counter-insurgency operations ng militar.

Sa kasalukuyan, sinabi naman ng human rights group, Karapatan na apat na Bayan Muna leaders sa Central at Northern Luzon ang nawawala simula pa noong Pebrero 2002.

Ang napaulat na nawawala ay sina Rowena Bayani, Edwin Villaruz na kapwa tubong Aurora; Juan Orcino, Jr. at Honorio Ayroso ng Nueva Ecija.

May Teorya ang grupo ng Karapatan na ang isinasagawang crackdown sa Bayan Muna leaders ay upang pahinain ang pagpupursiging planong paboran ang mga kandidato sa darating na barangay at SK elections. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

ARMED FORCES

BAYAN MUNA

BENJIE VILLA

BRGY

EDWIN VILLARUZ

HONORIO AYROSO

ILOCOS NORTE

INFANTRY BATTALION

MARSO

NORTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with