2 magsasaka kinatay habang papauwi
March 24, 2002 | 12:00am
CAMARINES SUR Pinagtataga hanggang sa mapatay ang dalawang magsasaka ng mga hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay papauwi sa magkahiwalay na bahay sa San Angustina, Nabua at Brgy. Pagatpatan, Bato, sa naturang lugar kamakalawa ng umaga.
Si Pablo Nanorog, 63, ng Brgy. Inapatan, Nabua, Camarines Sur ay sinaksak at pinalo ng matigas na bagay sa ulo na ikinamatay nito dakong alas-6 ng umaga habang papauwi.
Samantala, si Frederick Buenaagua, 25, binata ng Brgy. San Isidro, Bato, Camarines Sur ay pinagtataga na parang baboy dakong alas-9 ng umaga habang papauwi rin at kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest