Pamangkin ni Wycoco todas, 5 pa grabe sa car mishap
March 13, 2002 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang 3rd year college student na pinaniniwalaang pamangkin ni NBI director Reynaldo Wycoco ang kumpirmadong nasawi, samantala, ang lima nitong kaibigan ay malubhang nasugatan makaraang tumaob ang sinasakyang kotse ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Bitas ng lungsod na ito kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Joseph Wycoco, 20, at residente ng Doña Encarnacion St., Kapitan Pepe Subd. ng nabanggit na lungsod, samantala, ang mga grabeng nasugatan na ngayon ay nasa Premiere General Hospital ay nakilalang sina Jay Aries Peñaflor, 19; Bernard Sopongco; Wilson Nagaño, 19; Jonathan Virola, 18; at Franklin Macaraeg, 19, ng Brgy. Balite, Cabanatuan City.
Sa ulat ni P/Supt. Laverne Manangbao, hepe ng Cabanatuan PNP, naganap ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw matapos na iwasan ng kotseng Honda (UAR-945) na sinasakyan ng mga biktima ang trike na papalabas ng Provincial Hospital. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest