P156-M plantasyon ng marijuana nadiskubre
March 13, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Tinatayang aabot sa halagang P156 milyon ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga elemento ng Philippine National Police-Narcotics Group (PNP-Nargroup) sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Benguet sa Cordillera Autonomous Region.
Ayon kay PNP-Narcom chief Supt. Ruben Cabagnot, ang magkakasunod na operasyon ay isinagawa sa Sitio Manitiw, Sitio Sacobo sa bayan ng Kabungan at Sitio Kuminayad sa Brgy. Kuyad, Becon, Benguet.
Bago isagawa ang pagsalakay, nakatanggap umano ng impormasyon ang 14th Regional Narcotics Office hinggil sa plantasyon ng marijuana sa mga nabanggit na lugar.
Kaagad bumuo ng isang team ang pulisya sa pamumuno ni P/Chief Insp. Vicente Amada ng Anti-Production and Processing Division at mabilis na tinungo ang nasabing plantasyon ng marijuana na umaabot ng mahigit 17 ektaryang lupain.
Gayunman, nakatunog ang mga maintainers ng plantasyon sa operasyon ng pulisya at tumakas kaya walang naabutan ang mga awtoridad. (Ulat nina Artemio Dumlao at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest