^

Probinsiya

Ex-MILF, 2 pa todas sa ambus

-
Tinambangan at napatay ang dating kumander ng Moro Islamic Liberation Front, aide nito at barangay chairman ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng Muslim sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao at Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina ex-MILF kumander Teng Mangya, 45; aide nitong si Mosel Makalay, 40, na kapwa MILF rebel returnees at Felix Marcos, brgy. chairman sa Brgy. Caridad, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, napatay sina Mangya at Makalay dakong alas-4 ng hapon habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Guanan, Sultan, Barongis, Maguindanao.

Si Marcos naman ay inambus at napatay habang sakay din ng motorsiklo sa kahabaan ng Lambayong, Sultan Kudarat bandang alas-11:30 ng umaga. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

CAMP CRAME

FELIX MARCOS

JOY CANTOS

LAMBAYONG

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MOSEL MAKALAY

SI MARCOS

SULTAN KUDARAT

TENG MANGYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with