Judge sinibak ng Korte Suprema
March 3, 2002 | 12:00am
Sinibak ng Korte Suprema bilang hukom ng Santiago City Regional Trial Court Branch 35 si Judge Demetrio Calimag, Jr. sa ipinalabas na walong pahinang desisyon en banc dahil sa napatunayang hindi nagbayad ng halagang P30,000 bilang balanse sa pagkakautang nito kay Purita Lim, isang construction owner.
Sa pagsisiyasat naman ng Office of the Court Administrator (OCA), si Judge Calimag ay tatlong beses ng pinarusahan dahil sa kasong imoralidad at kahinaan para gampanan ang kanyang tungkulin partikular na ang dalawang ulit na pagmumulta dahil sa katiwalian sa serbisyo.
Pinabulaanan naman ni Judge Calimag ang akusasyon sa kanya ni Lim at nakahanda naman siyang magbayad kaya lamang ay naantala dahil sa pagkamatay ng isa sa kanyang kamag-anak. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended