^

Probinsiya

City councilor, pamangkin todas sa ambush

-
COTABATO CITY – Isang konsehal ng lungsod na ito at pamangkin nitong anim na taong gulang na batang babae ang iniulat na nasawi, samantala, isa pa ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang sakay ng kotse papasok ng kanilang bakuran kahapon ng umaga sa naturang lugar.

Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Alexis Costales, 37, city councilor sa ilalim ng Reporma Party at ang pamangkin na si Clarence Cang na kapwa binistay ng bala ng kalibre 45 baril.

Samantala, si Patrick Cang, 12, ay malubhang nasugatan sa naganap na pananambang dakong alas-11:30 ng umaga.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, city police director, ang mga biktima ay sakay ng kulay pulang Mitsubishi Lancer mula sa Cotabato Cathedral ay papasok pa lamang ng kanilang bakuran nang lapitan ng killer mula sa naghihintay na motorsiklo saka sunud-sunod na pinaputukan ang tatlo.

Matapos isagawa ang krimen ay kaagad naman sumakay ang killer sa naghihintay na motorsiklo saka pinaharurot sa hindi nabatid na direksyon.

Sinabi ni Major Gen. Roy Kyamko, commander ng Army’s 6th Infantry Division na nagpakalap na siya ng 30 ahente sa mga entry at exit points sa naturang lungsod upang mapadali ang pagdakip sa dalawang hired-killers.

Inatasan naman ni Cotabato City Mayor Muslimin Sema ang kanyang 37 barangay chairmen upang mangalap nang impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at nag-alok pa ng malaking halaga sa sinumang makapagtuturo sa dalawang killers.

Si Sema na kasalukuyang secretary-general ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay nagpahayag na malaking kawalan sa political community sa Cotabato City ang pagkamatay ni Costales.

Sinabi pa ni Sema na si Councilor Costales ay tagapagtaguyod na ma-protektahan ang kapaligiran, sumusuporta sa kaligtasan ng mga kababaihan at kabataan at masyadong relihiyosong tao.

Sa kasalukuyan ay tumatanggi ang pamilya ng biktima na magbigay ng anumang detalye sa mga mamamahayag sa naganap na pangyayari. (Ulat ni John Unson)

ALEXIS COSTALES

CLARENCE CANG

COTABATO CATHEDRAL

COTABATO CITY

COTABATO CITY MAYOR MUSLIMIN SEMA

COUNCILOR COSTALES

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MAJOR GEN

MITSUBISHI LANCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with