^

Probinsiya

Jolo market binomba: 4 patay, 48 grabe

-
FORT DEL PILAR, Baguio City – Apat katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang apatnapu’t walo naman ang malubhang nasugatan makaraang magpasabog nang granada ang mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kaalyado ni dating ARMM governor Nur Misuari sa pampublikong palengke ng Jolo Sulu kahapon ng umaga.

Sinabi kahapon ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan, tinaon ang naganap ang pagpapasabog bandang alas-5:15 ng umaga habang namimili ang mga residente sa nabanggit na palengke sa Crossroad ng Gen. Arolas at Hadji Buto Sts. sa kapitolyo ng Jolo.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat nina P/Supt. Yusup Asjudi, hepe ng pulisya sa bayang ito at lokal military chief Romeo Tolentino na pangunahing suspek ay mga kaalyado ni Misuari at mga miyembro ng kidnap-for ransom na Abu Sayyaf.

Kinilala ng pulisya ang isa sa apat na nasawi na si Jose Guillermo, samantalang ang dalawang bata at isang matandang babae na kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan ay binawian ng buhay sa pinagdalhang ospital dahil sa tumamang sharpnel sa kanilang katawan.

Ayon kay Tolentino na ang naturang lugar ay naunang inatake ng mga loyalista ni Misuari noong kasagsagan ng rebelyon noong nakaraang taon at inakupahan din ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Sinabi pa ni Tolentino na hindi nila inaalis ang anggulong paghihiganti ng ilang gang na may modus operanding extortion sa palengke o kaya naman ay isang diversionary tactic ng Sayyaf dahil sa pagsisimula ng RP-US joint military exercises sa kalapit na isla ng Basilan.

Idinagdag pa ni Adan na hindi makakaapekto ang naganap na pangyayari sa joint operations ng 600 US troops at sundalong Pinoy sa Basilan upang durugin ang mga bandidong Abu Sayyaf na iniuugnay sa al-Qaeda network ni Saudi-born terrorist Osama bin Laden. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BAGUIO CITY

BASILAN

EDILBERTO ADAN

HADJI BUTO STS

JOLO SULU

JOSE GUILLERMO

JOY CANTOS

MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with