Suspek sa Antipolo rape-slay sumuko na
February 12, 2002 | 12:00am
Sumuko na ang pangunahing suspek sa brutal na rape-slay case ng magkapatid na Bailon sa isang congressman sa Bikol kung saan nagtago ito ng may dalawang linggo matapos na maganap ang krimen sa Antipolo City.
Kinumpirma ni Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo police na sumuko at nasa kustodya na ni Rep. Jose Salceda ng Polangui, Albay si Jovy Guray, ng Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig, Antipolo.
Si Guray ang itinuturo ng 14-anyos na saksi na kanyang pamangkin na lumabas sa bahay ng magkapatid na Jasmin at Agnes Bailon noong madaling araw ng Pebrero 1 makaraang matagpuan ang mag-ate.
Matapos na makita sa pahayagan ang kanyang pangalan, agad na nagtago si Guray sa naturang lalawigan. Pinasya umano nitong sumuko na lamang kay Rep. Salceda dahil sa natatakot ito sa kamay ng pulisya.
Agad na nagtungo naman ngayon ang mga elemento ng Rizal Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) sa pakikipag-ugnayan sa Antipolo police upang sunduin si Guray. Nabatid din na may warrant of arrest ang RCIDG laban kay Guray dahil sa kasong pagnanakaw. (Ulat niDanilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest