^

Probinsiya

Tsinoy trader pinalaya sa ransom na P.5-M?

-
BATANGAS – Pinaniniwalaang nagbayad ng halagang P.5 milyong ransom ang pamilya ng kinidnap na negosyanteng Tsinoy noong Enero 7 ng gabi upang palayain ng mga kidnappers, dalawang araw matapos na dukutin ang biktima.

Subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa makumpirma ng pulisya kung ang kinidnap na si Chan Lin Loy, 37, alyas Joseph Chan ay pinalaya nga dahil sa patuloy na pagtanggi ng pamilya ng biktima na magbigay ng detalye sa mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Chan ay kinidnap noong Enero 7 dakong alas-7:45 ng gabi makaraang lumabas sa kanyang inuupahang warehouse sa Hillside Subd. sa Barangay San Roque sa bayan ng Rosario.

Napag-alaman pa sa source ng pulisya, ang pay-off ay naganap sa bisinidad ng South Tollway Arterial Road (STAR) at Calabarzon road patungong Talisay, Batangas.

Nabatid pa na ang malaking halaga ng ransom ay inilagay na lamang ng pamilya ng biktima sa nakaparadang sasakyan saka kinuha ng mga hindi kilalang kalalakihan.

May napapaulat naman na si Chan ay nagtatago sa Metro Manila at ang iba namang ulat ay umalis na ng bansa upang iwasan ang mga kidnapper.

May Teorya ang source ng pulisya na si Chan ay pinadukot ng karibal sa negosyo o kaya naman ay may kaugnayan sa love triangle. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY SAN ROQUE

CHAN LIN LOY

ENERO

HILLSIDE SUBD

JOSEPH CHAN

MAY TEORYA

METRO MANILA

SOUTH TOLLWAY ARTERIAL ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with