^

Probinsiya

2 NPAs dedo sa encounter

-
Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang asawa ng isang commander ang nasawi habang isa pa ang sugatang nadakip matapos ang panibagong engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar at ng grupo ng mga rebelde sa Kapalong, Davao del Norte kahapon.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Jaime delos Santos, kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Ka Ramie, asawa ni Commander Benjack at Johnny Ardines, alyas Ka Jamal.

Ang nasugatang rebelde na agad nadakip ay nakilala namang si Edwin Aligares.

Napag-alaman na kasalukuyang nagsasagawa ng pursuit operations ang mga elemento ng 72nd Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang grupo ni Ka Benjack.

Napilitan namang magsiatras ang grupo ng mga rebelde matapos na mapaslang ang kanilang dalawang kasamahan.

Ang grupo ni Commander Benjack ang itinuturong responsable sa pagdukot at pagpaslang kay Loreto Balono, purok leader ng Sitio Binumbingan, Kapalong noong Enero 19, 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

COMMANDER BENJACK

EDWIN ALIGARES

INFANTRY BATTALION

JOHNNY ARDINES

JOY CANTOS

KA BENJACK

KA JAMAL

KA RAMIE

KAPALONG

LORETO BALONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with