^

Probinsiya

Amang rapist hinatulan ng bitay

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Hinatulan ng kamatayan ang isang dating kawani ng gobyerno matapos mapatunayan ng korte na nagkasala ito ng panghahalay ng apat na ulit sa dalagitang anak.

Hinatulan ni RTC Judge Jose Rosales ng Branch 27 ng kamatayan si Rolando Reyes nang mapatunayang guilty sa kasong panghahalay sa kanyang anak ng apat na beses sa magkakahiwalay na okasyon noong 1997.

Sa siyam na pahinang desisyon ng korte ay nakasaad na hinalay ni Reyes ang anak ng tatlong beses sa loob ng kuwarto ng biktima sa kanilang tahanan sa Brgy. Ibung, Villaverde noong Hunyo 14, Setyembre 30 at Nobyembre 30 at ang huli ay noong Disyembre 6 sa kusina.

Ang mga panghahalay ay ginawa ng suspek habang ang ina ay nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper.

Hindi nagawang maisumbong ng biktima ang ginagawa ng ama dahil sa tinatakot siyang papatayin ganoon din ang tatlong kapatid.

Nang malaman ng ina ng biktima ang nangyari sa anak ay agad itong bumalik ng bansa at siya ang nagsampa ng kaso laban sa asawa na noon ay nagtatrabaho bilang driver ng engineering office ng kapitolyo.

Maliban sa hatol ay inatasan din ng korte na bayaran nito ang biktima ng P 500,000 bilang danyos. (Ulat ni Charlie Lagasca)

BRGY

CHARLIE LAGASCA

DISYEMBRE

HINATULAN

HONG KONG

HUNYO

IBUNG

JUDGE JOSE ROSALES

NUEVA VIZCAYA

ROLANDO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with