^

Probinsiya

Mayor suspendido sa kasong administratibo

-
BUSTOS, Bulacan – Sinuspindi ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ng 60 araw sa puwesto ang mayor ng Bustos, Bulacan makaraang mapatunayang lumabag sa kanyang tungkulin bilang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan.

Sa inaprubahang resolusyon no. 2001-403 ng Committee on Good Government ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan na pinamumunuan ni Provincial Board member Ernesto Mendoza, pinatawan ng 60 araw na suspensyon si Bustos Mayor Carlito Reyes.

Si Reyes ay nahaharap sa kasong administratibo na isinampa ng apat niyang staff na pawang mga civil service elligible at permanent position holder.

Kabilang sa mga dininig na kaso laban kay Reyes ay grave abuse of authority, harrasment, oppression, grave misconduct in office illegal demunition in rank at paglabag sa Provision of Rules No. 17, Section 5 ng Resolution no. 91-1631, Rules of Implementing book 5 of Executive Order no. 292 na ipinatutupad ng Civil Service Commission (CSC).

Nag-ugat ang ipinataw na parusa kay Mayor Reyes makaraang magreklamo sina Liza Roque, Merlita Castro, Danilo Cruz at Crisanto Agapito na pawang may sampung taong naglilingkod bilang kawani ng nabanggit na munisipalidad.

Nagkabisa ang suspensyon ni Mayor Reyes noong nakaraang Disyembre 27, 2001. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BULACAN

BUSTOS MAYOR CARLITO REYES

CIVIL SERVICE COMMISSION

CRISANTO AGAPITO

DANILO CRUZ

EFREN ALCANTARA

ERNESTO MENDOZA

EXECUTIVE ORDER

GOOD GOVERNMENT

MAYOR REYES

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with