^

Probinsiya

Pulis, driver kritikal sa ambus; 1 suspek todas

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nasa kritikal na kalagayan ang isang pulis at ang driver matapos na ambusin ng apat na kalalakihan na kung saan isa dito ang napatay habang ang dalawa ay nadakip kamakalawa ng umaga sa Brgy. Macalamcam, Rosario, Batangas.

Ang mga biktima ay nakilalang sina PO3 Roman Casilag, 38, may-asawa, miyembro ng Lipa City PNP at ang driver na si Samuel Persia na kapwa nagtamo ng tama ng mga bala sa ulo at katawan.

Namatay naman noon din ang isang suspek na nakilalang si Jaime Barrameda, 42, may-asawa ng Brgy. Sabang, Naic, Cavite habang naaresto naman ang magkapatid na sina Vicente, 58 at Menardo Simbahan ng Rosario, Batangas habang nakatakas ang isa pang suspek na si Onofre Reyes.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga ay lulan ang mga biktima ng isang pampasaherong jeep (DRW-565) na minamaneho ni Persia.

Pagdating sa kalagitnaan ng Brgy. Macalamcam ay sumulpot ang mga suspek na lulan ng isang jeep na walang plaka at agad na pinaputukan ang mga biktima.

Kahit na tinamaan ang pulis ay nagawa nitong gantihan ng putok ang mga suspek at kanyang nasapul si Barrameda.

Isang police station na malapit lang sa pinangyarihan ang nagresponde kung kaya’t napilitan ang mga suspek na sumuko habang nakatakas naman ang isa. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BATANGAS

BRGY

ED AMOROSO

JAIME BARRAMEDA

LIPA CITY

MACALAMCAM

MENARDO SIMBAHAN

ONOFRE REYES

ROMAN CASILAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with