^

Probinsiya

Bus vs van: 14 patay, 11 pa sugatan

-
GENERAL SANTOS CITY – Limang pamilya na may 14 na miyembro na sakay ng isang L-300 van ang namatay habang 11 katao pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na salpukin ng isang pampasaherong bus noong araw ng Pasko sa Brgy. Pagalungan National Highway, Polomolok, South Cotabato.

Ang mga nasawi noon din ay nakilalang sina Marilyn Maghanoy, 11; Fely Fernandez,15; Alejandro Fernandez, 37; Maria Ellen Espina,17; Gerard Abellana,15; Marciano Maghanoy, 50; Clinton Sabalo, 7; Michael Maghanoy, 15; Nestor Sabalo, Efipanio Fernandez, 39 ; Expideto Ducoy, 32; habang sina Mario Fernandez,19; Christian Sabalo at Junie Abellano, 70 ay namatay habang ginagamot sa General Santos City Doctors Hospital.

Ang mga nasugatan naman ay sina Mariol Fernandez,9; Nicko Fernandez,4; Christina Sabalo,37; Marvin Maghanoy,10; Jomar Fernandez,19; Salvino Abellana,45; Remy Fernandez, 19; Alfredo Mosquera; Nida Zuñiga,35; at 2 pang hindi nakikilala.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2: 30 ng hapon ay masayang papauwi ang mga nasawi na sakay ng L-300 van (WBS-131)mula sa kanilang isinagawang family reunion sa Sitio Uhaw, Brgy. Fatima ng nasabing lungsod.

Hindi napansin ng driver ng L-300 van ang mabilis na pagsalubong ng Yellow Bus Line (LVR-296) na punong-puno ng pasahero na umano ay nag-overtake sa isang Yamaha motorcycle na minamaneho ni Zuñiga.

Dahil sa umano ay hindi na makontrol ng driver ng bus na si Mosquera ang manibela, ito ay sumalpok sa nasabing van.

Sa lakas ng pagsalpok ay nahati ang van na kung saan ang mga pasahero dito ay nagtalsikan at ang iba naman ay naipit.

Kahit sugatan ay kusang loob na sumuko sa pulisya ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injuries. (Ulat nina Rose Tamayo at Boyet Jubelag)

ALEJANDRO FERNANDEZ

ALFREDO MOSQUERA

BOYET JUBELAG

BRGY

CHRISTIAN SABALO

CHRISTINA SABALO

CLINTON SABALO

EFIPANIO FERNANDEZ

EXPIDETO DUCOY

FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with