^

Probinsiya

Babaeng bihag ng Pentagon, pinalaya

-
COTABATO CITY – Pinalaya na kahapon ng Pentagon kidnap gang sa Sitio Pigkawayan, North Cotabato ang kanilang babaeng bihag na anak ng may-ari ng rice mill sa bayan ng Libungan, North Cotabato makaraan ang may apatnapu’t-walong araw na pagkakabihag sa biktima.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Abelardo Villacorta, police intelligence director sa Region 12 na pinalaya na si Martina Martin, 33 sa Brgy. Sinsilan, Pigkawayan sa pagitan ng alas-2:30 hanggang 3:30 ng hapon sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon ng regional director at Army’s 6th Infantry Division.

Ayon sa ulat, si Martin ay dinukot ng limang armadong kalalakihan noong nakaraang Nobyembre 4, 2001 sa Libungan public market sa Poblacion may 40 kilometro ang layo mula sa Cotabato City.

Ang grupo ng Pentagon ang pinaniniwalaang dumukot sa biktima na pinamumunuan ni Tahir Alonto at nauna nang humingi ng halagang P10 milyon ransom bilang kapalit ng kalayaan ni Martin.

Si Martin ay pinalaya makaraan ang dalawang linggong negosasyon ng walang ibinigay na ransom at dahil na rin sa natutunugang napapaligiran na ang pinagkukutaan ng Pentagon kidnap gang ng tropa ng militar at pulisya.

Nabatid naman kay Major Julieto Ando, spokeman ng Army’s 6th Infantry Division na unang ibinigay ang biktima sa mga operatiba ng Army’s 38th Infantry Battalion bago ibigay sa mga ahente ng intelligence ng Region 12 police.

Sinabi pa ni Ando na si Martin ay kasakuluyang dinala na sa Davao City upang isailalim sa medical examination.(Ulat nina John Unson at Roel Pareño)

vuukle comment

ABELARDO VILLACORTA

COTABATO CITY

DAVAO CITY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

LIBUNGAN

MAJOR JULIETO ANDO

MARTINA MARTIN

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with