Magkaibigan kinidnap bago pinatay dahil sa walang ibinayad na ransom
December 21, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Dalawang bangkay ng lalaki na unang napaulat na sinalvage at natagpuan sa Brgy. Malibong Matanda noong Lunes ng madaling-araw ay biktima ng kidnap-for-ransom dahil sa hindi nakapagbigay ng P3 milyon ransom ang ina ng isa sa mga pinatay.
Isa sa dinukot bago pinatay ay kinilala ng kanyang inang si Gina San Pedro ng Brgy. Sta. Clara, Bulacan na si Roy San Pedro, 32, binata at ang kaibigan nitong si Elmer Porciuncula, 30, binata, isang dentista ng Brgy. San Gabriel.
Kasalukuyan pang hinahanap ang isa pang kasama ng dalawang dinukot na nakilala lamang sa apelyidong Salazar.
Lumalabas sa impormasyong nakalap ng pulisya kay Gina San Pedro, huling nagpaalam ang kanyang anak na si Roy kasama ang dalawang kaibigan noong Sabado ng gabi na nanonood ng concert ni Martin Nievera.
Subalit hindi na ito umuwi hanggang sa may tumawag sa telepono na hindi nagpakilalang boses lalaki na nasa kanilang custody ang kanyang anak at may masamang mangyayari kapag hindi nagbigay ng malaking halaga.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nakiusap pa umano si Gina San Pedro na halagang P50,000 lamang ang maibibigay niya subalit biglang binabaan ito ng telepono ng mga kidnaper hanggang sa mabalitaan niyang may natagpuang dalawang bangkay ng lalaki sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest