Pulis natusta sa kuryente
December 6, 2001 | 12:00am
Isang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasawi, samantala, isa pang sibilyang kasama ng biktima ang malubhang nasugatan makaraang makuryente habang gumagawa ng antenna sa bubungan ng kanilang bahay sa Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na halos natusta ang katawan dahil sa lakas ng boltahe ay kinilalang si SPO2 Philip Pamaran, 31, ng Pagadian City Police Station, samantala, ang grabeng nasugatan ay si Alex Lobraca, 18, ng Brgy. Paglaum ng nabanggit na lugar.
Lumalabas sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-2:40 ng hapon habang nagkakabit ng antenna ng TV sa bubungan ang dalawa at sa hindi inaasahang pagkakataon ay aksidenteng nahawakan ang talop na linya ng kuryente na may malakas na boltahe na ikinasawi ni Pamaran. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest