Pamangkin ni Misuari natiklo
November 29, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa mga operatiba ng militar ang isang pamangkin ng nagrebelyong si outgoing Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari at daang mga amunisyon sa isinagawang raid sa arm cache ng naturang mga renegade forces sa Cotabato City kamakalawa.
Sa ulat na nakalap kahapon mula sa tanggapan ni Philippine Army Chief Lt. General Jaime S. de los Santos, kinilala ang naarestong pamangkin ni Misuari na si Bernabe Misuari.
Sinabi ni de los Santos na sinalakay ng magkakasanib na elemento ng 75th Infantry Battalion (IB), Task Force Sagittarius at Cotabato City PNP ang arm cache ng mga rebelde sa bahay ng isang Frisca Laraya Norala sa Notre Dame Village sa Poblacion 8 sa naturang lungsod.
Ang nasabing operasyon ay bilang tugon sa umanoy malawakang presensiya ng mga armadong grupo sa nasabing lugar na sinasabing pawang supporters ng sinuspindeng ARMM Governor at may misyong magsagawa ng serye ng karahasan bilang pagtutol sa pagsasampa ng pamahalaan ng kasong rebelyon sa pinatalsik na Muslim official.
Layunin din umano ng nasabing grupo na guluhin ang nangyayaring bilangan ng boto na sakop ng nakaraang ARMM elections sa pamumuno mismo ng naarestong pamangkin ng nagrebelyong Gobernador.
Si Misuari kasama ang mga nakumpiskang armas at amunisyon ay nasa kustodya ngayon ng Cotabato City PNP para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 27, 2024 - 12:00am