^

Probinsiya

Suspension sa DECS opisyal binaligtad ng CA

-
CEBU CITY – Binaligtad ng Court of Appeals ang ipinataw na suspension ng Ombudsman laban sa isang opisyal ng Department of Education Culture and Sports (DECS) sa Cebu City sa kasong paglustay ng pondo ng kaban ng bayan at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Practices for Public Officers and Employees.

Dahil sa isinumiteng reklamo ni Atty. Jose Madarang laban kay DECS Cebu City Division Supervisor Leonilo Oliva sa tanggapan ng Ombudsman Visayas sa mga nabanggit na kaso ay inaprobahan naman ni Ombudsman Aniano Disierto noong Oktubre 13, 2000 ang suspension ni Oliva.

Subalit umapela si Oliva sa Court of Appeals upang patunayan na lahat ng inaakusa sa kanyang hindi pag-liquidate ng cash advance ng halagang P367, 076.16 ay kanyang naisauli na sa kinauukulan.

Sa masusing pagsisiyasat ng Court of Appeals sa mga dokumentong isinumite ni Oliva, nagdesisyon ang korte na baligtarin ang hatol na suspension at ipinag-utos na ibalik sa puwesto si Oliva.

Ibinatay ng Court of Appeal ang kailangang desisyon dahil sa walang maipakitang records ang Ombudsman na nagsusuporta sa mga akusasyon kay Oliva.

Sa ginawang desisyon ng Court of Appeals, lumalabas na si Oliva ay nakapag-liquidate ng halagang P146,265. 65 noong Abril 14, 1997 makaraan ang isang taon at limang buwan matapos niyang matanggap ang P500,000 cash advance.

Naibalik din ni Oliva ang halagang P156,112 noong Nov. 28, 1997; P58,600 noong June 29, 1998; P8,100 noong Sept. 28, 1998 at P12,098 noong Oktubre 14, 1998.(Ulat ni Joebert Ocao)

vuukle comment

CEBU CITY

CEBU CITY DIVISION SUPERVISOR LEONILO OLIVA

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL PRACTICES

COURT OF APPEAL

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF EDUCATION CULTURE AND SPORTS

JOEBERT OCAO

JOSE MADARANG

OKTUBRE

OLIVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with