^

Probinsiya

36 katao patay, 448 grabe sa tigdas

-
CATARMAN, Northern Samar – Tinatayang aabot sa tatlumpu’t anim katao ang iniulat na nasawi habang 448 iba pa ang grabeng naapektuhan nang pagkalat ng nakahahawang sakit na tigdas sa Northern Samar.

Ibinulgar kahapon ni Provincial Health Officer Dr. Ignacio Pacho na ang mabilis na pagkalat ng tigdas sa siyam na munisipalidad sa nabanggit na lalawigan ay masyadong nakakaalarma partikular na sa bayan ng Silvino Lobos na pinakamaraming namatay na residente.

"Ito ang kauna-unahang pangyayari na ang measles epidemic na nanalasa sa siyam na munisipalidad ay hindi pangkaraniwan dahil marami na ang apektadong mamamayan", ani Dr. Pacho

Dagdag pa ni Dr. Pacho na noong mga nakaraang taon ay kaagad naman nagagamot ang may sakit na tigdas subalit sa kasalukuyan ay hindi na pangkaraniwan ang nabanggit na sakit.

Gayunman, bumuo na ng fact-finding team na kinabibilangan ng mga health experts at specialists mula sa Department of Health (DOH) central office, DOH regional office at mga doctor mula sa Northern Samar provincial hospital upang masusing imbestigahan ang "mahiwagang" nakamamatay na sakit na naging dahilan para maalarma ang mga residente.

Kabilang sa siyam sa dalawampu’t-apat na bayang apektado ng tigdas ay ang Silvinolobos, Mondragon, Catarman, San Roque, Bonbon, Allen, Rosario, San Jose at San Isidro. (Ulat ni Ricky Bautista)

CATARMAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. IGNACIO PACHO

DR. PACHO

NORTHERN SAMAR

RICKY BAUTISTA

SAN ISIDRO

SAN JOSE

SAN ROQUE

SILVINO LOBOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with