Pintor tinodas ng 4 katao sa masamang titig
November 13, 2001 | 12:00am
NOVELETA, Cavite Dahil sa masamang tingin ay naging ugat ng kamatayan ng isang 36-anyos na pintor makaraang pagtulungang gulpihin at saksakin ng apat na kalalakihan sa Brgy. Magdiwang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot pa ng buhay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Ronald de Guzman, binata ng Countryside Subd., Brgy. San Rafael 2 ng naturang lugar.
Samantala, ang mga suspek na ngayon ay nakakulong ay nakilalang sina Joan Villarente, 18; Sonny Fajorje, 28; Gaudencio Dianson, 25 at Jeoffrey Sumpang, 27 na pawang mga residente ng Brgy. San Juan 1, Gen. Trias, Cavite.
Ang biktima ay kasalukuyang umiinom ng alak sa loob ng isang videoke bar at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatitig ito sa mga suspek na ikinasama naman ng mga ito.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Meynard Genuino, may hawak ng kaso, dahil sa pangyayari ay kaagad naman lumabas ang biktima at sumakay nang bus subalit sinabayan ito ng mga suspek bandang alas-12:30 ng madaling araw at doon naganap ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am