Preso nag-suicide sa loob ng selda
November 12, 2001 | 12:00am
JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte Dahil sa hindi makayanang problema sa pamilya at kinakaharap na kaso ay nagpasya ang isang 31-anyos na preso sa Jose Panganiban Police Station na magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng asido sa loob ng kanyang selda kamakalawa.
Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Jose Panganiban Primary Hospital ay nakilalang si Melchor Lunas, may asawa ng Sta. Rosa Norte ng naturang lugar.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-2:40 ng madaling araw habang natutulog na ang mga kasamahan ng biktima sa loob ng selda. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest