^

Probinsiya

2 pulis inaresto sa panghahalay

-
MARILAO, Bulacan – Dalawang miyembro ng Marilao, Bulacan police ang iniulat na inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng himpilan ng pulisya kamakalawa ng umaga makaraang ireklamo ng rape ng dalawang katulong na babae sa isang videoke bar sa Brgy. Ibayo ng bayang ito.

Ang dalawang suspek na pulis na ngayon ay nasa custody ng NBI ay nakilalang sina SPO1 Narciso Carangan at PO1 Manuel Mendoza, samantala, ang dalawang biktima na itinago sa mga pangalang Maricar, 16 at Michelle, 18, ay namamasukan sa AnneYu videoke bar bilang mga katulong at yaya ng may-ari.

Nabatid sa inisyal na ulat ng NBI, nagtungo ang dalawang suspek sa nabanggit na videoke bar dakong alas-9 ng gabi upang uminom ng alak subalit makalipas ang may ilang minuto ay nakiusap sa may-ari na mai-table ang mga biktima.

Dahil hindi naman mga GRO ang mga biktima ay tumanggi ang may-ari ng naturang videoke bar at muling nakiusap sa may-ari na yayain na lamang na kumain sa labas kaya pumayag naman ang may-ari.

Ayon pa sa ulat, na imbis sa kumain sa restaurant ay dinala ng mga suspek ang dalawang biktima sa isang malapit na hotel at doon isinagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN

DAHIL

DALAWANG

EFREN ALCANTARA

MANUEL MENDOZA

NARCISO CARANGAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with