1 patay, 2 grabe sa pagsabog ng granada
November 4, 2001 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Nagkalasug-lasog ang katawan at namatay noon din ang isang obrero habang nasa kritikal namang kundisyon ang dalawang iba pa makaraang sumabog ang isang granada sa pinag-iinuman ng mga biktima sa Sitio Iringan, Brgy. Ibabang Palsabangon sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP director, kinilala ang biktima na si Loreto Ehada, 32, may-asawa, habang patuloy na ginagamot ngayon sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sanhi ng mga tama ng shrapnel sa ibat-ibang bahagi ng katawan sina John Pepito, 37; at Ernesto Tumakin, 46 na kapwa mga residente ng nasabing barangay.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Eladio Mule, officer on case, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay masayang nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ng isa sa mga ito makaraang magpasyang doon na lamang nila sama-samang ipagdiwang ang All Souls Day.
Sa gitna ng inuman ay inilabas umano ni Ehada ang isang granada at ipinagyabang sa dalawang kapitbahay, subalit sa pagtayo nito ay nalaglag sa kanyang mga paa ang granada na wala ng pin at sumabog. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended