Obrero dinedo sa masamang biro
October 31, 2001 | 12:00am
IBA , Zambales Dahil lamang sa masamang biruan ay nagawang saksakin at mapatay ang isang obrero ng sariling kaibigan sa Sitio Balili, Brgy. Palanginan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alberto Molino, Jr. , 23 at residente ng San Miguel St. Brgy. Palanginan, samantala, ang suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang si Roland Centeno, 28 at kapitbahay ng biktima.
Ayon kay P/Chief Insp. Rogelio Aspe, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari dakong alas-11:30 ng gabi matapos magkita ang dalawa na nagkabiruan at nagkapikunan hanggang sa nauwi sa pananaksak ng suspek. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest