^

Probinsiya

5 judge pinagmulta ng Korte Suprema

-
Limang hukom ang pinagmulta kahapon ng Korte Suprema dahil sa umano’y kapalpakan ng mga ito sa kanilang tungkulin.

Sa desisyon ng Korte Suprema, si Obando Bulacan Municipal Trial Court (MTC) Presiding Judge Romeo Quilantang ay pinagmulta ng halagang P10,000 dahil sa umano’y kabagalan nito sa pagreresolba ng mga kasong kriminal na hinahawakan nito.

Sina Tubod Lanao del Norte Regional Trial Court Branch VII Judge Oscar Zerna at si Hinatuan, Surigao del Sur Judge Antonio Canon ay pinagmulta naman ng halagang P5,000 dahil sa pag-abuso ng kanilang kapangyarihan.

Gayundin si Judge Demetrio Calimag ng Santiago City Regional Trial Court ay pinagmulta naman ng halagang P2,000 dahil sa gross ignorance of the law, samantalang si Judge Eulogio Quipse ng MTC Bongabon, Nueva Ecija ay pinagbayad naman ng P1,500 dahil sa kabiguan nitong madesisyunan ang dalawang kaso sa loob ng 90-araw na reglementary period.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi nito papayagan ang mga hukom na manatiling tamad at pabaya ang mga kawani nito partikular na ang mga hukom.

"Judge are expected to keep abreast of developments in law and jurisprudence. Judicial competence requires no less," anang Korte Suprema. (Ulat ni Grace Amargo)

GRACE AMARGO

JUDGE DEMETRIO CALIMAG

JUDGE EULOGIO QUIPSE

JUDGE OSCAR ZERNA

KORTE SUPREMA

NORTE REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NUEVA ECIJA

OBANDO BULACAN MUNICIPAL TRIAL COURT

PRESIDING JUDGE ROMEO QUILANTANG

SANTIAGO CITY REGIONAL TRIAL COURT

SINA TUBOD LANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with