^

Probinsiya

Petron refinery sumabog: 4 katao grabe

-
Apat katao ang iniulat na grabeng nasugatan habang naitala naman sa P30 milyon ang pinsala matapos na yanigin ng malakas na pagsabog dahil sa tumagas na kimiko sa Petro Bataan Refinery kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat kahapon mula sa Camp Crame ni Bataan Provincial Police Officer Director P/Supt. Perfecto Palad, ang pagsabog ay naganap sa loob ng refinery na matatagpuan sa Brgy. Lamao sa bayan ng Limay dakong alas-2 ng hapon.

Kinilala ni Palad ang mga nasugatang biktima na sina Zander Diaz, 27; Hector Quicho, 28; Angelito San Pedro, 31 at Ernesto Pencil, 42. Ang mga ito ay mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang pagsabog ay nag-ugat sa tagas ng kimiko mula sa Caustic Neutralization Unit (CNU) kung saan napinsala ang halos buong apparatus ng gusali.

Naitala rin sa P25 milyon ang pinsala sa departamento ng CNU habang tinataya namang P5 milyon ang nawasak sa ilang bahagi ng gusali bunga ng pagsabog.

Si Palad ay personal na nagtungo sa lugar na nagsabing posibleng ang pagsabog ay may kinalaman sa pagkasira ng makina na sanhi ng reaksiyong kimiko mula sa phenol at naphtenic acid.

Sa kabila ng nangyaring insidente, sinabi ni Palad na normal pa rin ang operasyon sa nasabing refinery bagaman at medyo nagkaroon ng tensiyon ang mga empleyado rito.

Ipinalalagay rin ng opisyal na posibleng aksidente ang nangyaring pagsabog base na rin sa testimonya ni Ruben Dalandan, forklift operator ng naturang refinery.

Ayon sa salaysay ni Dalandan kasalukuyan siyang nagdidiskarga ng mga galon ng hydrogen peroxide malapit sa silid ng pinangyarihan ng pagsabog ng mapansin nito ang tagas ng kimiko mula sa CNU kung kaya’t mabilis siyang lumabas ilang minuto bago ang malakas na pagsabog. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELITO SAN PEDRO

AYON

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICER DIRECTOR P

CAMP CRAME

CAUSTIC NEUTRALIZATION UNIT

ERNESTO PENCIL

HECTOR QUICHO

JOY CANTOS

PAGSABOG

PALAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with