^

Probinsiya

1 patay, anak ng mayor ligtas sa ambush

-
Namatay ang isang lalaki habang masuwerte namang nakaligtas ang anak ng isang alkalde matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan habang bumabagtas sakay ng motorsiklo sa Apokon Road, Tagum City, Davao del Norte, kamakalawa.

Dead on the spot ang biktimang si Eduardo Lemsen matapos na matadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakaligtas naman si Bobby Gementiza, anak ni Tagum City Mayor Gelacio Gementiza.

Si Bobby ay nakaligtas matapos na tumalon ito sa motorsiklo ng mapansin nitong pinupuntirya sila ng pamamaril ng mga suspek na nakaposisyon sa tagiliran ng masukal na bahagi ng highway.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-10:40 ng umaga ay binabagtas ng motorsiklong kinalululanan ng mga biktima ang nasabing lugar ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga suspek.

Agad na nasapul ng tama ng punglo si Eduardo na tumilapon sa minamaneho nitong motorsiklo habang nakatakbo naman ang batang Gementiza.

May hinala ang mga imbestigador na ang anak ng alkalde ang talagang target ng mga suspek bunga ng matinding pagtutol ng matandang Gementiza na magbayad ng revolutionary tax sa kilusan ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

APOKON ROAD

AYON

BOBBY GEMENTIZA

EDUARDO LEMSEN

GEMENTIZA

JOY CANTOS

SI BOBBY

TAGUM CITY

TAGUM CITY MAYOR GELACIO GEMENTIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with