3 NPA napatay sa engkuwentro
October 11, 2001 | 12:00am
BAGUIO CITY Tatlong NPA rebels ang napatay ng tropa ng militar, kabilang ang isang amasona sa naganap na sagupaan sa isang liblib na barangay sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur kahapon.
Si Glory Bangtuan aka Glory, kasapi ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng Sonang Gerilya 2 na nakabase sa Southern Ilocos Sur ay nasugatan ngunit namatay din ito bandang alas-9 ng umaga sa Ilocos Sur Regional Hospital sa bayan ng Tagudin.
Dalawa pang rebeldeng NPAs na hindi pa matiyak ang mga pangalan ang napatay sa engkuwentro. Samantalang nasugatan naman ang isang Corporal Vinluan.
Nasamsam mula sa mga napatay na rebelde ang isang M16 Armalite assault rifle at isang 9 mm pistol.
Ayon kay Col. Ricardo Nobleza, commanding officer ng 503rd Infantry Battalion ng Philipine Army na nakabase sa bayan ng Tayum, Abra, nasagupa ng mga elemento ng 50th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Raymundo Ramones ang di matiyak na bilang ng rebelde sa Barangay Baybayading, bayan ng Salcedo, Ilocos Sur dakong alas-4:30 ng kahapon.
Isa pang bakbakan ang naganap dakong alas-8 ng gabi ngunit walang napaulat na namatay mula sa magkabilang grupo. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest